Mga kandidato sa May 2022 elections, hinikayat na magtiwala sa election system ng bansa

Hinikayat ni Manila Mayor at Presidential Aspirant Isko Moreno ang kanyang mga kapwa kandidato na magtiwala sa election system sa bansa.

Ginawa ni Mayor Isko ang apila kasunod ng babala ng Commission on Elections laban sa mga nagpapanggap na taga Comelec at nag-aalok ng sure win sa eleksyon.

Giit ni Mayor Isko tuwing malapit na ang eleksyon ay palagi nalang may ganitong issue na nabibili umano ang panalo.

Kaya apila nito sa mga kapwa kandidato maniwala sa sistema ng halalan at sa taong bayan na maghahalal sa kanila.

Una rito nanindigan ang Comelec na hindi nadadaya ang halalan at kumpleto ito ng safety features para masigurong lehitimo ang resulta nito.

Umapila rin ang Comelec sa mga kandidato na huwag kakagat sa mga ganitong modus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: