Mga kandidato sa pagka Senador na pasok sa Magic 12 kilalanin

Labing apat na mga kandidato sa pagka Senador ang pumasok sa Magic 12 na pinagpipilian ngayon ng mga botante.

Batay sa survey ng Pulse asia na ginawa mula February 18 hanggang 23, nasa number 1 sa Senatorial preferences ang brodkaster na si Raffy Tulfo na may 66.9 percent.

Nasa ikalawa hanggang ikaapat na pwesto sina Antique representative Loren Legarda, dating DPWH Secretary Mark Villar at Taguig Pateros representative Alan Peter Cayetano.

Nasa ikalima hanggang ikapitong pwesto sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sorsogon Governor Francis Escudero.

Pasok naman sa 5 hanggang 9 spot ang aktor na si Robin Padilla, dating Vice president Jejomar Binay, Senador Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva.

Pasok rin sa magic 12 sina dating Senador Jinggoy Estrada, dating Mayor Herbert Bautista, Senador Risa Hontiveros at dating Senador JV Ejercito.

Nagpasalamat naman si Bautista sa mahigit tatlumpung porsyento ng mga respondent na pumabor sa kanya.

Si Bautista ay tumatakbo sa ilalim ng UNITEAM nina Bongbong Marcos at Sarah Duterte.

Meanne Corvera

Please follow and like us: