Mga kapartido ni Senador Pacquiao bumuwelta,hinamong magbitiw sa PDP-laban

Pinagbibitiw na ni Energy Secretary at PDP laban Vice chairman Alfonso Cusi ang pangulo ng kanilang partido na si Senator Manny Pacquaio.

Kasunod ito ng banat ni Pangulong Duterte kay pacquiao.

Sa kaniyang televised address, nauna nang kinastigo ng Pangulo si Pacquaio .

Sinabi ni Cusi, dapat lumabas muna sa partido si Pacquiao bago bumanat sa pangulo.

Ang pag-atake kasi aniya ni Pacquiao ay nangangahulugan hindi rin nito sinusuportahan ang Pangulo na kaniyang ka partido.

Hindi aniya magandang tingnan na tila si Pacquiao pa ang sumusunog sa sarili nitong pamamahay.

Si Pacquaio ang Presidente ng PDP laban habang si Pangulong Duterte ang Chairman ng partido

Meanne Corvera

Please follow and like us: