Mga korte na pisikal na sarado, nadagdagan pa

Ipinagutos ng Korte Suprema ang physical closure ng ilan pang first- at second-level courts sa mga lugar na inilagay sa Alert Levels 3 at 4.

Sa sirkular ng Office of the Court Administrator, inilagay sa lockdown hanggang katapusan ng Enero ang mga hukuman sa 15 iba pang lugar.

Ang mga ito ay ang mga korte sa Apayao, Puerto Princesa City at Masbate sa Luzon, at Siquijor sa Visayas.

Sa Mindanao, pisikal na sarado ang mga hukuman sa Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental,North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Maguindanao, Surigao del Norte at Basilan.

Alinsunod sa guidelines ng OCA, suspendido ang in-court hearings sa mga hukuman na nasa ilalim ng nasabing alert levels at videoconferencing hearings lang muna ng mga urgent matters ang pinapayagan.

Moira Encina

Please follow and like us: