Mga korte sa NCR at iba pang nasa MECQ areas, mananatiling pisikal na sarado hanggang sa Sept. 7 maliban sa SC

Pisikal na sarado pa rin hanggang sa Setyembre 7 ang mga hukuman sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng MECQ maliban sa Korte Suprema.

Sa sirkular na inisyu ni Court Administrator Jose Midas Marquez, sinabi na mananatili na online ang operasyon at magsasagawa lamang ng videoconferencing hearings para sa mga urgent na kaso at insidente ang mga korte sa MECQ areas.

Sakop ng kautusan ang Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at lower courts.

Maaaring ma-contact ang mga nasabing hukuman sa kani-kanilang hotline at email addresses na makikita sa website ng Korte Suprema.

Suspendido rin ang paghahain at service ng pleadings at mga mosyon habang nasa ilalim ng MECQ at magre-resume lang pitong araw mula sa unang araw ng pisikal na pagbubukas ng korte.

Gayunman, kailangan na magtalaga ng skeleton staff sa mga essential judicial offices para tumugon sa lahat ng urgent matters.

Moira Encina

Please follow and like us: