Pitong nominado pasok sa shortlist sa bakanteng puwesto sa Korte Suprema

Isinumite na ng Judicial and Bar Council sa Malacañang ang shortlist para sa bakanteng posisyon sa Korte Suprema.

Pitong nominado ang pasok sa listahan ng JBC.

Ang mga ito ay sina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Geraldine Faith Econg, Court of Appeals Associate Justices Ramon Cruz, Japar Dimaampao at Maria Filomena Singh, Court Administrator Jose Midas Marquez, at Deputy Court Administrator Raul Villanueva.

Ang isang associate justice post ng Korte Suprema ay nabakante matapos na maagang magretiro si Justice Edgardo Delos Santos noong nakaraang Hunyo.

Moira Encina

Please follow and like us: