Mga LGU, maaaring bumili ng sariling bakuna – Sen. Go

Maaaring bumili ang mga lokal na pamahalaan ng sariling bakuna kung kulang ang suplay mula sa gobyerno.

Ito ang payo ni Senador Christopher Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Health sa mga lokal na opisyal na umaangal sa kakapusan ng suplay ng bakuna laban sa Covid-19.

Sinabi ni Go na problema talaga ngayon ang kakapusan ng suplay bukod pa sa kailangang unahin ng gobyerno na padalhan ng suplay ang mga probinsyang may mataas na kaso ng virus.

Gayunman, marami naman aniyang paparating na suplay at tiniyak nitong mabibigyan ng patas na suplay ang lahat ng mga probinsya.

Umapila rin ito sa mga sa lalawigang may mataas na kaso ng Covid-19 na bilisan pa ang kanilang vaccination rollout para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Meanne Corvera

Please follow and like us: