Resolusyon para sa dismissal ni PMS Zinampan, pinirmahan na ni PNP Chief Gen. Eleazar

Nilagdaan na ni Philipppine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang resolusyon na nagrerekomenda sa pagsibak sa tungkulin kay Police Master Sergeant Hensie Zinampan na nakapatay sa isang 52-anyos na si Lilybeth Valdez sa Fairview.

Sa panayam ng Balitakayan, binigyang-diin ni Eleazar na patunay lamang ito na walang pinagtatakpan ang PNP at hindi kinukunsinti ang mga pulis na nagkakamali.

Bilang bahagi ng polisiya ng PNP, lahat ng Internal Affairs Service (IAS) resolution na nasa ilalim ng Directorate for Personnel Records and Management (DPRM), ay dumadaan sa Discipline Law and Order Division (DLOD).

Ang DPRM at DLOD ang nagrerepaso nito bago ipasa sa Office of the Chief PNP para sa approval.

Please follow and like us: