Mga magulang ni Kian delos Santos inilagay na sa provisional coverage ng Witness Protection Program ng DOJ

Isinailalim na sa provisional coverage ng Witness Protection Program ng DOJ ang mga magulang ni Kian delos Santos.

Nagtungo sa DOJ ang mag-asawang Saldy at Lorenza delos Santos kung saan naghain sila ng kanilang aplikasyon sa WPP.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, boluntaryong pumunta ang mga magulang ni Kian sa DOJ at agad naman nilang tinanggap ang aplikasyon ng mga ito para mailagay sa WPP.

Patunay aniya ito na walang batayan ang paratang ng ilan na siya ay bias sa kaso ng napatay na binatilyo.

Binigyang-diin pa ni Aguirre na buo ang tiwala at kumpiyansa sa kanya at sa DOJ ng mag-asawang delos Santos sa paghawak sa kaso ng kanilang anak.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *