Mga mambabatas na sinasabing nagpabakuna na ng anti-Covid-19 vaccine, hindi mapipilit na umamin-Malakanyang

photo: pcoo.gov.ph

Hindi maaaring piliting magsalita o paaminin ang mga mambabatas na sinasabing nauna ng nagpabakuna kontra COVID 19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque dahil sa umiiral na medical confidentiality hindi mapipilit ang sinuman na ibunyag ang mga medical procedure na ginawa sa isang indibidwal.

Ayon kay Roque maliban na lamang kung boluntaryong magsasalita ang isang pasyente at ibulgar sa publiko ang kanyang medical record.

Ginawa ni Roque ang pahayag dahil sa patuloy na pagkalat ng balita na sina Senador Panfilo Lacson at Congressman Martin Romualdez ay nagpabakuna na ng anti COVID 19 vaccine.

Niliwanag ni Roque ang pahayag ng Department of Health o DOH na wala pang anti COVID 19 vaccine ang pinahihintulutan ng Food and Drugs Administration o FDA na gamitin sa Pilipinas.

Vic Somintac

Please follow and like us: