Mga manggagawa na magpapabakuna sa 2 araw na extension ng bayanihan bakunahan hindi na excuse sa trabaho – Malakanyang

Hindi na excuse sa trabaho ang mga manggagawa na magpapabakuna sa 2 araw na extension ng Bayanihan Bakunahan National COVID -19 Vaccination Day mula December 2 hanggang December 3.

Sinabi ni National COVID-19 Vaccination Operation Center Chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje na noon lamang November 29 hanggang December 3 ituturing na excuse sa trabaho ang mga manggagawang nagpabakuna batay sa Executive Order na inilabas ng Malakanyang.

Inihayag ni Cabotaje na puwedeng makiusap ang mga manggagawa sa kanilang employer na huwag markahang absent kung magpabakuna laban sa COVID -19.

Dahil sa kahilingan ng mga Local Government Units o LGUS pinayagan ng National COVID- 19 Vaccination Operation Center na palawigin pa ng dalawang araw ang Bayanihan Bakunahan National COVID -19 Vaccination Day.

Vic Somintac

Please follow and like us: