Mga mayor na missing in action sa pananalasa ng bagyong Ompong dapat parusahan – Malakanyang

Pabor ang Malakanyang na patawan ng parusa ang mga mayors na missing in action o wala sa kanilang nasasakupan noong manalasa ang bagyong Ompong sa Northern Luzon.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na dapat patawan ng pinakamataas na parusa ang mga Mayors na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin sa panahon ng sakuna.

Ayon kay Roque pinagpapaliwanag na ng Department of Interior and Local Government o DILG ang sampung mayor ng Cagayan Valley na wala sa kanilang bayan nang manalasa ang bagyong Ompong.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *