Mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa PGH,umabot na sa mahigit 100

Aabot sa 125 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan ng COVID- 19 vaccine ng Sinovac sa unang araw ng vaccination roll out sa Philippine General Hospital.

Ayon kay PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, ang bilang na ito ay higit pa sa kanilang inaasahan.

Malaking bagay rin aniya na may mga matataas na opisyal ng gobyerno ang nanguna sa pagpapabakuna.

Bukas muling ipagpapatuloy ng PGH ang pagbabakuna sa kanilang health care workers kung saan target nilang makapagbakuna ng 300 kada araw.

Nasa 1,200 ang doses ng Sinovac vaccines ang ibinigay ng DOH sa PGH.

Sa PGH, hindi lamang mga doktor, nurses at medtech ang pwede sa COVID-19 vaccination kundi maging iba pang frontliners gaya ng mga gwardiya, janitor at iba pang staff.

Madz Moratillo

Please follow and like us: