Mga nagparehistro para sa libreng bakuna kontra COVID-19 sa San Juan City, umabot na sa mahigit 24,000
Kabuuang 24,656 residente ng San Juan City ang nagparehistro na para sa libreng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, patuloy nilang patataasin ang bilang ng mga vaccine registrants sa pamamagitan ng on-the-ground, online education at information campaigns.
Layon ng mga ito na maging kumpiyansa at tiwala ng mga residente sa vaccination process.
Una nang sinabi ng alkalde na target nila na 70% o 85,526 residente ng San Juan ay mabakunahan kontra COVID para makamit ang herd immunity.
Samantala, aabot na lamang sa 30 ang aktibong kaso ng COVID sa lungsod batay sa pinakahuling datos ng city government.
Moira Encina
Please follow and like us: