Sanhi ng pagkamatay ni Raymond Dominguez lumalabas na natural cause, ayon sa BuCor

Walang indikasyon ng foul play na nakita ang Bureau of Corrections sa pagkamatay ng convicted carnapper na si Raymond Dominguez.

Sinabi ni BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag na lumalabas na namatay dahil sa natural causes si Dominguez.

Gayunman, hihintayin pa nila ang medico-legal report sa tunay na sanhi ng pagkamatay ng high-profile inmate.

Ayon kay Chaclag, nakitang wala nang buhay sa loob ng kanyang selda si Dominguez bandang ala-6:20 ng umaga nitong Biyernes.

Idinagdag pa ng opisyal na marami na ring taglay na karamdaman si Dominguez gaya ng diabetes, hypertension, asthma, at iba pa.

BuCor spokesperson Gabriel Chaclag:

PDL Raymond Dominguez was found lifeless at 6:20am today. It appears that he died of natural causes. But we will wait for the medico legal report. No sign of foul play is noted. Fyi po“.

Moira Encina

Please follow and like us: