Mga nakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19 sa CALABARZON, halos 100,000 na

Aabot na sa halos 100,000 ang nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng DOH CALABARZON, kabuuang 99,055 ang fully vaccinated na indibidwal mula sa A1 hanggang A3 priority groups sa rehiyon.

Mahigit 34,700 sa mga nakakumpleto ng bakuna ay mga frontline healthcare workers.

Nasa 28,800 naman ang senior citizens at lagpas 34,400 ang person with comorbidities na fully vaccinated na laban sa COVID sa Region IV-A.

Samantala, lagpas 398,000 ang nabakunahan na ng unang dose ng anti-COVID vaccines sa rehiyon.

Moira Encina

Please follow and like us: