Nag-viral na traffic enforcer sa Maynila, binigyang parangal

Binigyang parangal ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang enforcer mula sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nag-viral nitong nakaraang linggo matapos saktan ng isang babaeng motorista na hinuli niya dahil sa traffic violation.

Personal na inabot ni Manila Mayor Isko Moreno ang sertipiko ng pagkilala kay MTPB Enforcer Marcos Anzures matapos ang ginawang flag raising ceremony kanina sa lungsod.

Pinuri ng alkalde ang ipinakitang pagtitimpi ni Anzures kahit na sinasaktan na ito ng nahuling motoristang si Pauline Mae Altamirano.

Ayon sa alkalde, mahirap ang trabaho ng mga traffic enforcer lalu na ngayong napakatindi ng init ng panahon.

Kaya kapuri-puri aniya ang ipinakita nitong paglilingkod sa bayan.

Maliban sa Certificate ay binigyan din ng alkalde ng cash incentive ang nasabing traffic enforcer.

Madz Moratillo

Please follow and like us: