Mga Ninja cops, nais ipapatay ni Senador Bong Go

Nais ni Senador Christopher “Bong’ Go na sibakin na ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng pulisya na dawit sa agaw bato o illegal drug trade.

Sinabi ni Go na kung sya ang masusunod dapat pa ngang patayin ang mga pulis dahil sa paggawa ng mga karuma-dumal na krimen.

Pabor ang Senador na ilabas ang pangalan ng mga pulis.

Pero dapat na raw itong ipaubaya sa pangulo dahil siya ang commander in chief batay sa kasunduan ng mga Senador.

Kinumpirma ni Go na naibigay niya sa Pangulo ang lahat ng detalye  na ibinigay ni dating PNP-CIDG chief Benjamin Magalong  sa isinagawang executive session at kumakalap na ito ng iba pang impormasyon.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *