Mga nominee ng P3PWD partylist , nagbitiw

Nagbitiw na ang mga nominee ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities o P3PWD Party List.

Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, nagsumite na ng kopya ng board resolution at notarized resignation letters ng kanilang 5 nominee ang nasabing partylist group.

Kasabay nito, nagsumite rin sila ng Notarized Certificate of Nomination para sa kanilang mga bagong nominee sa pangunguna ni retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ayon kay Laudiangco, ang pagbibitiw ng mga nominee ng P3WD Partylist at pagtatalaga ng bagong kakatawan sa kanila sa Kongreso ay dadaan pa sa deliberasyon ng Commission en banc.

Ang P3WD Partylist ay nakakuha ng 1 seat sa Kongreso sa ginanap na halalan.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: