Look out Bulletin laban kay Jose Antonio San Vicente, Inilabas ng DOJ

May Immigration Lookout Bulletin Order na laban sa may-ari ng SUV na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong city.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inaprubahan na niya ang pagpapalabas ng Lookout Bulletin laban kay Jose Antonio Sanvicente.

Ang lookout bulletin ay para mapigilan si San vicente sakaling magtangka itong tumakas at lumabas.

Una rito, hiniling ng Mandaluyong city Prosecutors office sa Department of Justice ang pagpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban kay San vicente na nahaharap ngayon sa reklamong frustrated murder at paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code o ang pag-abandona sa isang taong nasa panganib o kanyang biktima.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: