Mga OFWs na aalis ng Kuwait ililipat sa Oman at Bahrain ayon sa Malacañang

Bukod sa Russia at China dalawang bansa pa ang ikinukunsidera ng pamahalaan na maaaring pagdalhan sa mga Overseas Filipino Workers o OFWS na magre-repatriate mula sa Kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa Oman at Bahrain posibleng mahanapan ng trabaho ang mga Pinoy na magdedesisyong iwanan na ang Kuwait.

Naniniwala si Roque na mas makakakuha ng makataong Pagtrato ang mga kababayan nating magtatrabaho sa dalawang nasabing bansa kaibayo sa nararanasan ng mga OFW sa Kuwait .

Sinabi ni Roque hindi na makapapayag si Pangulong Rodrigo Duterte na makaranas pa ng pagmamalupit ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa abroad at napagkaitan ng karapatang mabuhay.

Tiniyak ng Malakanyang na makatatanggap ng tulong pinansiyal ang mga magsisiuwing manggagawang pinoy mula sa Kuwait na popondhan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *