Mga opisyal ng BuCor at NBP, pinagpapaliwanag ng DOJ sa hindi agad paglipat sa mga bilibid inmate sa kanilang orihinal na selda

Pinagpapaliwanag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga opisyal ng Bureau of Corrections at New Bilibid Prisons kung bakit hindi agad tumalima sa kanyang kautusan na ilipat ang mga inmate sa kanilang orihinal na selda.

Nadiskubre ni Aguirre sa isinagawang Oplan Galugad kahapon sa Bilibid na ilan sa mga high profile inmate ay nandoon pa rin sa medium security compound kahit limang araw na niyang iniutos ang pagbalik sa mga ito orihinal nilang kulungan.

Kung hindi aniya magugustuhan ang paliwanag, may parusa na ipapataw sa mga opisyal.

Nanindigan si Aguirre na kailangang maipatupad ang kanyang utos para matugunan ang problema ng muling nabalik na kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid Compound.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *