Mga otoridad ginagawa ang lahat para matunton ang itinuturong big time drug supplier na si Peter Lim ayon kay Justice Sec Guevarra

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ginagawa ng NBI, PNP at iba pang alagad ng batas ang lahat para matunton at madakip ang itinuturong big-time drug supplier na si Peter Go Lim.

Sinabi ng kalihim na umaasa ang mga otoridad na maisisilbi ng mga ito ang warrant of arrest laban kay Lim at maihaharap ito sa Makati City RTC bago ang pagbasa ng sakdal dito sa August 28.

Nilinaw ni Guevarra na hindi na kailangan na magpalabas ang korte ng panibagong arrest warrant kay Lim kung mabigo ang mga otoridad na madakip ito bago ang arraignment nito.

Babaguhin lang anya muli ng hukuman ang petsa ng pagbasa ng sakdal kay Lim.

Muling inihayag ni Guevarra na batay sa records ng Bureau of Immigration nasa bansa pa rin si Lim at noon pang Marso ang huling biyahe nito

Ang kaso laban kay Lim ay kaugnay sa distribusyon ng iligal na droga sa Visayas.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *