Mga overseas Filipino na nakarekober sa Covid-19, naragdagan pa

Naragdagan pa ng pito ang mga Oversea Filipino na nakarekober sa Covid-19.

Dahil dito, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umakyat na sa 9,301 ang total recoveries sa kanilang hanay.

Gayunman, apat na kaso ang nadagdag sa mga tinamaan ng Covid-19 kaya pumalo na sa 14,791 ang total cases.

Tatlong pasyente naman ang naragdag sa mga namatay dahil sa Covid-19 kaya nasa 1,012 na ang death toll.

Nananatiling ang Middle East at Africa ang mga rehiyong may mataas na kaso ng Covid-19, recoveries at deaths.

Please follow and like us: