Mga pamilya ng apat na nahuling suspek sa Degamo murder, bibigyan ng tulong ng WPP ng DOJ

Inatasan na ni Justice Secretary Crispin Remulla ang Witness Protection Program (WPP) na sikaping matulungan ang mga pamilya ng apat na nadakip na suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Pero nilinaw ni Remulla na wala pa sa ilalim ng WPP ang mga suspek.

Courtesy: Radyo Agila

Paliwanag ng kalihim na parte naman ng WPP ang pagbibigay ng assistance o benepisyo maging sa panig ng mga akusado dahil tatayo rin ang mga ito na testigo.

Layunin din aniya ng nasabing tulong na mas mapadali o mas mahimok ang mga akusado na umamin o magsabi ng lahat ng kanilang nalalaman sa krimen.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *