Mga Pinoy, hinimok ng pamahalaan na mag-impok sa bangko para sa bayan

Hinikayat ng National Treasury ang mga Pilipino na pag-aralan kung paano ang wastong pag-iimpok at pag-iinvest ng pera.

Sa Economic briefing sa Malakanyang sinabi ni National Treasurer Rosalia de Leon  na ito ang rason kung bakit nila inilunsad ang “Invest Pa More, Panalo Pa More Premyo Bonds Para Sa Bayan”.

Layon umano nito hikayatin ang mga  small savers at makiisa sa nation building lalo na’t ang “Premyo” bond ay  naglalayon din na makalikom ng pondo para sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) at free tertiary education sa mga state universities and colleges.

Sa naturang programa ma-eengganyo umano ang mga mamamayan na masanay at matuto sa pag-iinvest sa  government securities.

Maliban dito ay may tiyansa rin umanong manalo  ang mga sasali sa premyo bond ng P20, 000, P100, 000 at hangang P1 million.

Puwede umanong maglagak ng minimum investment na P500 hanggang P10 million ang interasadong indibidwal na gusto sumali sa Premyo Bond.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *