Mga pulis idineploy din sa mga calamity prone area – PNP Chief

Inatasan ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang deployment ng search at rescue equipment sa mga calamity prone areas.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos , inatasan ng liderato ng PNP ang kanilang field units na tumulong sa Disaster Risk Reduction and Management Committee sa kani-kanilang nasasakupang lugar.

Kasama rito ang mga komunidad sa tabi ng mga estero, at maging sa mga lugar sa paligid ng Marikina Riverbank.

Sa harap ito ng walang tigil na pag-ulang dulot ng Bagyong Gorio at dala ng habagat.

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *