Mga pumila sa vaccination site sa Mandaluyong pinauwi

Maagang pinilahan ang Mega vaccination site sa Mandaluyong matapos mabalitaang Pfizer ang ituturok na bakuna.

Pero marami sa kanila pinauwi na lang dahil wala naman sa listahan ng mga naka schedule na mababakunahan ngayong araw.

Ayon kay Jimmy Isidro, ang public information officer ng mandaluyong, pinauwi ang mga ito dahil walang maipakitang text o confirmation mula sa mandavax na sila ay babakunahan ngayong araw.

Ang mandavax ay isang apps kung saan kailangang magparehistro ang mga magpapabakuna at dito rin malalaman ang kanilang magiging schedule .

Sinabi ni Isidro, Marami sa mga pumila ay nagbasakali lang matapos malamang pfizer ang ituturok na bakuna.

Pero paalala niya hindi mababakunahan ang hindi kasama sa schedule para hindi magkaroon ng siksikan at matiyak na masusunod ang mga itinatakdang safety health protocol sa mga vaccination site.

Meanne Corvera

Please follow and like us: