QC-LGU target na makapagpabakuna ng dalawang libo katao kada araw

Nagagamit na ang mega vaccination site sa Quezon city na matatagpuan sa Smart Araneta Coliseum.

Inuunang bakunahan ang mga kabilang sa A1-A3 priority groups.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, inuubos muna ang supply ng Astrazeneca para sa mga nag-book ngayong linggo.

Gagamitin naman ang Sinovac kapag naubos na ang supply ng Astrazeneca.

Sinabi ni Belmonte na target ng lokal na pamahalaan na makapagbakuna ng hanggang dalawang libo kada araw.

Sa tulong aniya ng ng mga healthcare worker, staff at volunteers, maayos naman na naipatutupad ang minimum health and safety protocols.

Nagpaalala pa si Belmonte na sa mga nakapagbook ng kanilang first dose, na dumating ng 15 minuto bago ang takdang schedule.

Iwasang dumating ng mas maaga upang hindi mapuno ang vaccination centers at mapanatili ang minimum health protocols.

Ang pagdating ng sobrang aga sa takdang oras ay hindi garantiya na mauuna sa pila.

Belle Surara

Please follow and like us: