Mga quarantine hotel , pinababantayan ni Pangulong Duterte sa PNP

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police o PNP na bantayan ang mga Hotels na ginagamit na quarantine facility para sa mga Overseas Filipino Workers o OFWS at Returning Overseas Filipino o ROF.

Ginawa ng Pangulo ang kautusan sa kanyang regular weekly Talk to the People matapos ang insidente ng tinaguriang Poblacion girl sa lungsod ng Makati na tumakas sa kanyang hotel quarantine at dumalo sa mga party at nagkalat ng coronavirus dahil siya ay positibo sa COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na hindi masisi ang hotel management kung hindi nila mapigilan ang pag-alis ng kanilang guest dahil wala silang police power.

Inihayag ng Pangulo tanging ang gobyerno lamang ang may police power kaya kailangan ang presensiya ng mga pulis sa mga hotels na ginagamit na quarantine sa mga nagbabalik bayang pinoy.

Vic Somintac

Please follow and like us: