Manila LGU magsasagawa ng booster shot vaccination para sa delivery riders

Magsasagawa ng booster shot vaccination ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa delivery riders sa Huwebes Enero 6.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang bakunahan ay gagawin sa Kartilya ng Katipunan na nasa tabi lang ng City Hall.

Ang bakunahan mula 8am hanggang 5pm.

Lahat aniya ng brand ng bakuna ay available at pwedeng mamili anumang brand ang kanilang nais para sa booster shot.

Madz Moratillo

Please follow and like us: