Mga reklamo laban kay Cesar Montano pinaiimbestigahan sa Senado

Pinaiimbestigahan na rin sa Senado ang mga alegasyon ng katiwalian laban sa actor na si Cesar Montano.

Naghain ng Senate Resolution 326 si Senadora  Nancy Binay para ipabusisi sa Blue Ribbon Committee at Tourism Committee ang reklamo ng Tourism Promotions Board employees laban kay Montano.

Kabilang na rito ang umanoy iregularidad sa pagpasok nya sa ₱16.5M sponsorship para sa rally ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte noong February 25 sa Luneta at ang ₱12M sponsorship sa Jadine United States and United Arab Emirates concert tour at guest performer dito ang kaniyang pamangkin.

Kinukwestyon rin ng mga empleado ang pagkuha nito ng mga consultants at paglalagay ng kaniyang mga tauhan na ang function ay katulad rin ng trabaho ng mga kasalukuyang empleado.

Nais malaman ni Binay kung nagagamit ang pondo ngTBP sa personal na interes ni Montano sa halip na ipromote ang mga tourist destination sa Pilipinas.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us: