Mga Senador makikipagdayalogo sa Pangulo para talakayin ang Tax Reform

Itinuturing ni Senador Sonny Angara na joke pero may kasamang pagbabanta ang apela ni Pangulong Duterte  sa Senado na ipasa na ang Tax Reform Package.

Pero hindi ito nangangahulugan na ipapasa ng Senado ng 100 percent ang panukala o batay sa inaprubahang bersyon ng Kamara.

Ayon kay Angara, Chairman ng Senate Committee on Ways and Means, mga ordinaryong mamamayan rin ang tatamaan oras na ipasa ang bersyon ng Kamara.

Sa pinagtibay na panukala ng Kamara, papatawan ng sampung pisong Excise Tax ang mga produktong may asukal gaya ng sofdrinks, kape at iba pang sweetened beverages.

Bukod pa sa buwis na ipapataw sa socialized o murang pabahay, produktong petrolyo at mga bagong sasakyan.

Giit ni Angara ito ang dahilan kaya target nilang makipagdayalogo sa Pangulo para ilatag ang problema sa Tax reform.

Pagtiyak ni Angara minamadali na nila ang panukala katunayang hinimay nila ito kahit nakabakasyon ang Kongreso.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *