Mga Senador na nadawit sa negosyanteng si Kenneth Dong, ipinagtanggol ni Pimentel

Ipinagtanggol ni Senate President Koko Pimentel ang mga senador na nadawit ang pangalan sa negosyanteng si Kenneth Dong na sa kontrobersya sa Bureau of Customs.

Ito ay matapos na mag-ninong sa kasal at makatanggap ng campaign funds mula kay Dong ang ilang mga Senador.

Ayon kay Pimentel, hindi tamang agad na husgahang guilty ang mga naturang Senador dahil karaniwan na sa mga pulitiko ang nakatatanggap ng imbitasyon na maging ninong sa kasal.

Giit ni Pimentel, nasa kultura na ng bansa na hangga’t kaya ay hindi tatanggihan ang imbitasyon na mag-anak sa kasal para maiwasang may mapahiya o masaktan.

Karaniwan din aniya na hindi alam ng ninong ang buong pagkatao ng kanyang inaanak.

Una nang lumitaw na nag-ninong sa kasal ng negosyanteng si Dong ang mga Senador na sina Risa Hontiveros, Migz Zubiri, Kiko Pangilinan at Ralph Recto habang nakatanggap naman ng campaign donations si Senador Joel Villanueva.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *