Mga Senador na pumapabor na imbestigahan ng Committee on Ethics si Sen. Trillanes, dumarami pa

Nadagdagan pa ang mga Senador na pabor na idaan sa Committee on Ethics ang pag iimbestiga sa umano’y pambabastos ni Senador Antonio Trillanes kay Senador Richard Gordon habang nag-iimbestiga sa 6.4 billion shabu na nakapuslit sa Bureau of Customs.

Ayon kay Senador Manny Pacquiao, wala sIyang kinakampihan kina Gordon o Trillanes pero mali at unparliamentray aniya na inakusahan ni Trillanes ang kapwa Senador ng committee de abswelto.

Dapat aniyang nagpakita ng respeto si Trillanes lalo at si Gordon ang chairman ng konite at dapat itong sumunod sa rules ng Senado.

Para kay Pacquiao, Kung may maghahain ng reklamo laban kay Trillanes dapat itong suriin at i review ng mga miyembro ng ethics committee.

Nauna nang sinabi ni Senador JV Ejercito na pabor siyang imbestigahan si Trillanes dahil sa kawalan ng respeto sa kapwa mambabatas.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *