Mga Senador nagpaabot na rin ng pakikiramay sa pagkamatay ni dating Senador Shahani

Nagpaabot na ng pakikiramay ang mga Senador sa pamilya ni dating Senador Leticia Ramos-Shahani.

Ayon sa mga Senador, hindi matatawaran ang naging ambag ni Shahani lalo na ang ginawa nitong pakikipaglaban sa karapatan ng mga kababaihan.

Sa Huebes, dadalhin ang bangkay ni Shahani sa Senado para sa isang Necrological services.

Sa ngayon, naka half mast na ang bandila ng Senado bilang bahagi ng pakikiramay sa pagkamatay ng dating mambabatas.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: