Mga Senador ng Majority Bloc pinulong ni Pangulong Duterte sa Malakanyang

Bago umuwi ng Davao nagkaroon ng dinner si Pangulong Duterte sa mga Senador na miyembro ng Majority Bloc sa Malacańang Park.

Katabi ng Pangulo sa kanang bahagi ng isang mahabang mesa si Senate President Koko Pimentel at Senador Alan Peter Cayetano.

Nasa hilera ng Pangulo sina Senators  Manny Pacquiao, Joel Villanueva, Cynthia Villar, Grace Poe, Juan Miguel Zubiri at Sherwin Gatchalian.

Sa kabilang bahagi naman ng mesa ay sina Senators JV Ejercito, Sonny Angara, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Tito Sotto, Loren Legarda, Nancy Binay at Richard Gordon.

Wala naman sa hapunan ang tatlo pang kasapi ng Senate Majority Bloc na sina Senador Panfilo Lacson, Gringo Honasan at Francis Escudero.

Wala pang inilalabas ang Presidential Communications Office hinggil sa agenda ng dinner meeting ng Pangulo sa Majority Bloc ng Senado.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *