Mga senior citizen sa tatlong barangay sa Quezon City, tumanggap ng social pension mula sa DSWD

Nasa 1,286 senior citizens mula sa tatlong barangay sa Quezon City, ang tumanggap ng social pension na nagkakahalaga ng 6,000 piso bawat isa.

Sila ang mga senior citizen na walang tinatanggap na pension mula sa GSIS, SSS at walang ibang financial support na natanggap.

Nasa 937 beneficiaries ang mula sa Barangay Bahay Toro, 288 naman ang mula sa Barangay San Antonio, at 61 ang mula sa Barangay Katipunan.

Ayon sa ibang mga senior citizen, alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nakapila na sila sa Toro Hills Elementary School kung saan ginanap ang payout.

Sa tulong ng mga kagawad ng barangay ay naging maayos naman ang pila, at naipatupad din ang health protocols at social distancing.

Roger A. Manzano

Please follow and like us: