Mga tanggapan ng Bureau of Immigration sa NCR plus tuloy pa rin ang operasyon

Sa kabila ng pinalawig na implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, tuloy parin ang operasyon ng mga opisina ng Bureau of Immigration sa mga nasabing lugar.

Sa isang advisory, sinabi ng BI na mula 8am hanggang 4pm bukas ang kanilang opisina sa NCR plus. Pero asahan ang bahagyang pagbagal sa operasyon dahil limitado lamang ang mga empleyado ng BI na papayagan makapasok at paiiralin ang skeletal system.

Pinapayuhan naman ang mga empleyado at maging mga kliyenteng nasa edad 60 pataas, buntis, may immunodeficiencies at commorbidities at iba pang health risk na huwag na munang lumabas ng bahay.

Please follow and like us: