Mga tauhan ng Manila Police District tumanggap na ng 2nd dose ng COVID 19 vaccine

Tumanggap na rin ng ikalawang dose ng COVID 19 vaccine ang mga tauhan ng Manila Police District .

Bakuna ng Sinovac ang itinurok na bakuna sa kanila.

Kaugnay nito, sinabi ni MPD Chief Brigadier General Leo Francisco na umabot na sa 899 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID 19 sa hanay ng kanilang mga tauhan.

Mataas naman aniya ang recovery rate sa kanilang mga pulis kung saan 860 na ang nakarekober.

May 5 naman ang nasawi.

Sa ngayon nasa 34 nalang aniya ang aktibong kaso ng COVID 19 sa mga tauhan ng MPD.

Ang 28 dito ay naka quarantine pa, 3 ang naka confine sa Ospital habang may 3 ang naghihintay na ma-quarantine.

Madz Moratillo

Please follow and like us: