31 pang Overseas Filipino, nagpositibo sa Covid-19

Naragdagan pa ng 31 ang mga kababayan natin sa ibang bansa na nagpopositibo sa Covid-19.

Dahil dito, batay sa latest data ng Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na sa 18,301 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga overseas Filipino.

Samantala, wala ring naitalang karagdagang mga gumaling sa Covid-19 kaya nananatili sa 11,220 ang recovery cases.

May apat namang nadagdag sa mga namatay dahil sa karamdaman kaya pumalo na sa 1,145 ang death toll sa Covid-19 sa kanilang hanay.

Ang Middle East at Africa ang mga rehiyong may pinakamaraming kaso ng Covid-19, recoveries at deaths.

Please follow and like us: