Mga tumatakbong bagong overhauled LRV sa MRT-3, naragdagan pa

Nadagdagan pa ng dalawang bagong overhauled Light Rail Vehicles (LRVs) ang mga bagon ng Metro Railways Transit-3 (MRT-3).

Mayo ng taong ito ay 18 newly-overhauled LRVs ang itinalaga sa MRT-3 kaya sa kabuuang ay nasa 20 bagong LRVs na ang operational train sets.

Ayon sa MRT-3 Management, bahagi ito ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya sa a tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.

Nananatili naman ang 30 percent passenger capacity na ipinatutupad ng MRT-3 o katumbas ng 124 pasahero kada bagon o train set.

Ganundin ang pagpapatupad ng minimum health protocol.

Please follow and like us: