Bilang ng nasawing Health workers dahil sa COVID 19, umabot na sa 100

Umabot na sa 100 healthcare workers ang nasawi dahil sa COVID 19.

Batay sa datos ng Department of Health, pinakamarami sa mga nasawi ay mga doktor na sinundan ng mga nurse.

Sa ngayon, may 105 aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga health worker.

Sa bilang na ito, 46 ang mild, 27 ang asymptomatic, 9 ang nasa moderate condition, 15 ang severe at 8 ang kritikal.

Sa kabuuan aabot sa 19, 719 ang medical frontliners na tinamaan ng COVID 19.

Ang 19,514 rito ay nakarekober mula sa sakit.

Madz Moratillo

Please follow and like us: