Mga watawat ng Pilipinas sa Maynila, naka-half mast

Naka-half mast ang lahat ng watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Maynila.

Kasunod ito ng pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pakikiramay si Manila Mayor Isko Moreno sa pamilya Aquino.

Ayon kay Mayor Isko, isa sa mga nagawa ni dating Pangulong Noynoy ay ang pagsulong nito ng Good Governance reforms na malaki ang naitulong para mabawasan ang korapsyon.

Noong panahon aniya ng dating Pangulo ay nakilala ang Pilipinas bilang fastest-growing economy sa Asya.

Madz Moratillo

Please follow and like us: