Pagpayag ni Pangulong Duterte sa panukala ng Deped para sa mga petsa ng pagbubukas ng klase, hinihintay pa

Tuloy pa rin ang pagpapatupad ng Blended Learning ng Department of Education kasunod ng pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang face to face classes sa mga piling lugar dahil sa pag-usbong ng mga kaso ng Covid-19 variants.

Gayunman, naghahanda pa rin ang DepEd para mapaunlad ang kalidad ng pagbibigay ng edukasyon sa bansa sa harap ng posibleng pagbubukas ng klase sakaling bumuti na ang sitwasyon ngayong Pandemya.

Ayon sa kagawaran, ipalalabas nila ang final school calendar para sa School Year 2021-2022 sa sandaling makuha na nila ang approval ng Pangulo.

Kabilang sa kanilang mga panukalang petsa ng school opening ay August 23, 2021, September 6, 2021, o September 13, 2021.

Please follow and like us: