Michael Yang isinailalim na rin sa lookout order

Nag-isyu na rin ang DOJ ng immigration lookout bulletin order laban kay dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.

Inilagay sa ILBO si Yang kasunod ng liham ni Sen. Richard Gordon kay Justice Sec. Menardo Guevarra dahil sa pagkakasangkot ng negosyante sa sinasabing overpriced COVID-19 medical supplies.

Nakasaad sa lookout order na ito ay para lamang sa pag-monitor sa pagbiyahe o itineraries ni Yang sakaling umalis ito ng bansa.

Gayunman, hindi maaaring mapigilan ng ILBO ang pag-alis sa bansa ni Yang.

Inamin ng Pharmally Pharmaceuticals na nanghiram sila ng pera kay Yang para makabili ng medical supplies.

Ito ay matapos na maigawad ng gobyerno sa kumpanya noong 2020 ang kontrata para maging isa ito sa mga suppliers ng bansa ng PPEs at iba pang COVID supplies ngayong pandemya.

Moira Encina

Please follow and like us: