Mid-year break sa public schools, simula na ngayong araw

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd), na simula na ngayong araw, Lunes, Enero 31, ang isang linggong mid-year break ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.

Nakasaad sa social media announcement ng DepEd . . . “Simula na ng Mid-year break ngayong araw learners! Dahil sa ipinamalas ninyong galing sa Academic Quarters 1&2, deserve nyo ang break na ito.”

Pinayuhan naman ng DepEd ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang break upang makapagpahinga bilang paghahanda sa natitira pang quarters ng School Year 2021-2022.

Ayon pa sa DepEd, magtatagal ang mid-year break hanggang sa Pebrero 5, 2022. Sabado.

Please follow and like us: