Mindanao, inilagay na sa Full-alert status ng PNP

 

Isinailalim na sa full alert status ng buong pwersa ng Philippine National Police ang Mindanao.

Iito ang  naging kautusan ni PNP Chief General Oscar Albayalde at mananatili ang full alert status habang umiiral ang Martial Law sa rehiyon.

Nangangahulugan ito na kanselado ang lahat ng days-off at leaves ng lahat ng mga tauhan ng PNP bilang tugon sa banta ng mga pag-atake ng mga kalaban ng pamahalaan.

Ipinag-utos na rin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglalagay ng dagdag na checkpoint sa ilang mga lugar para maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.

 

==========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *