Misamis Oriental isinailalim sa state of calamity dahil sa NPA recruitment

Isinailalim sa state of calamity ang apat na barangay sa Opol, Misamis Oriental.

Ayon kay Opol Mayor Maximo Seno, idineklara ng Local Government ang state of calamity noong Martes.

Ang pangunahing dahilan nito ay ang  nagaganap na recruitment New People’s Army sa mga residente para maging miyembro ng rebeldeng grupo.

Sinabi ni Superintendent Lemuel Gonda, Spokesman ng Northern Mindanao Police, ang mga lugar na sakop ng state of calamity ay ang mga barangay Tingalan, Cauyunan, Limonda at Nangcaon.

107 pamilya o 449 na tao ang nag-evacuate sa town’s central evacuation center.

Batay sa report binabayaran ng mga hinihinalang NPA ang mga residente para sumali sa kanilang hukbo.

Ulat ni: Lynn Shayne Fetizanan

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *