Miss Myanmar, itinanghal bilang best in Miss Universe National costume

Itinanghal bilang best in National costume si Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin sa katatapos na 69th Miss Universe pageant na ginanap sa Florida, USA.

Suot ng kaniyang winning traditional costume, bitbit ni Miss Thuzar ang karatulang may nakasulat na “Pray for Myanmar” kasunod ng kaguluhang nangyayari sa kanilang bansa dahil sa pulitika.

Maliban sa pagkakapanalo ng national costume, napili rin si Miss Myanmar sa Top 21 ng kompetisyon.

Bigo naman itong makapasok sa Top 10 finalist.

Please follow and like us: